Bayang Makulay | Harinawa | Bagong Umaga

BAYANG MAKULAY
Mekaniko ng Makina Ko | Habang Narito Pa |
Ayoko Na | Sanggol sa Sinapupunan |
Saan Nanggagaling ang Himig | Lalalaryang |
Nasaan na Tayo | Alay sa mga Kapatid |
Kay Tsong | Ka Tribo |

Saan Nanggagaling ang Himig
words and music: Ysagani Ibarra

Kung ang puso ba'y iibig
Hihinog ba yan kung pilit
Saan nanggagaling ang isang awit
Saan nanggagaling ang isang awit

San nanggagaling ang himig
San nanggagaling ang titik
Saan nanggagaling ang isang awit

Yan ba'y kusang lalapit
Iyan ba'y hulog ng langit
Saan nanggagaling ang isang awit

May titik na tinataga sa panahon
May himig na bigla na lang nanduroon
May himig na dinadala ng hangin
May himig na binubulong sa akin
Ang hangin, ang hangin

Sinisid ko yon sa isip
At nasilip ko ang langit
Na sa puso isinilang ang isang awit
Sa puso nanggagaling ang isang awit
Ang awit, ang awit...

 
home about bayang photos gigs discography lyrics downloads reviews guestbook contact links