Bayang Makulay | Harinawa | Bagong Umaga

HARINAWA
Ngansi Ba | Darating Din Tayo | Harinawa |
Hiling | Buhay | Inang Bayan |
Habang Ika'y Wala | Bumalik ka na |
Mapayapang Mundo | Giliw | Dinggin Nyo | Guro |

Harinawa
words and music: Mike Villegas

Kay gara rin ng aking buhay
Sa hirap man ako nasanay
Mananatili ring makulay ang
   buhay ko
Marami na kong naranasan
Ako'y umibig at iniwan
Pero di ako nagkulang
Sa panalanging 'to

Sa sinag ng araw, ng buhay
Maaninag ang pag-asa
Sa daloy ng dagat, mamunga
Ang pag-ibig at payapa
Ihatid sana ng hangin
Ang aking panalangin, Harinawa

Sa kabila ng tagumpay
At taghoy ng mabigo
Sa tibay at dalisay
Ng bawat kilos ko
Ang araw-araw na dalangin
Kung iyong mamarapatin
Ika'y makaagapay
Sa aking paglakbay

 
home about bayang photos gigs discography lyrics downloads reviews guestbook contact links