Bayang Makulay | Harinawa | Bagong Umaga

HARINAWA
Ngansi Ba | Darating Din Tayo | Harinawa |
Hiling | Buhay | Inang Bayan |
Habang Ika'y Wala | Bumalik ka na |
Mapayapang Mundo | Giliw | Dinggin Nyo | Guro |

Habang Ika'y Wala
Music: Sammy Asuncion
Words: Joel de Veyra

Ikaw lang ang aking iniisip
Alin mang sulok nasisilip
Di ko na yata kayang mag-isa
Ang hirap bumangon kung wala ka

Pati rin sa aking panaginip
Tawag mo ay laging naririnig
Ako'y ginising ng larawan mo
Ngunit wala ka sa tabi ko

Habang ika'y wala, puso'y lumuluha
Buhay walang sigla, habang nag-iisa

Subalit ako ay umaasa
Dahil ako ay di nag-iiba
Pagmamahal mo ang nagbibigay
Ligaya ng buhay at pag-asa

Wag sanang magbago
Ang pagmamahal mo
Nandito lang ako
Ako'y di magbabago

 
home about bayang photos gigs discography lyrics downloads reviews guestbook contact links