Bayang Makulay | Harinawa | Bagong Umaga

HARINAWA
Ngansi Ba | Darating Din Tayo | Harinawa |
Hiling | Buhay | Inang Bayan |
Habang Ika'y Wala | Bumalik ka na |
Mapayapang Mundo | Giliw | Dinggin Nyo | Guro |

Guro
music: Sammy Asuncion
words: Nick Emocling, Roger Pullin and Sammy Asuncion

Alas kwatro ng umaga ay gising ka na
Habang ang mundo tulad ng iba ay
   tahimik na
Alam mong sa puso mo'y maraming
   naghihintay
Kapag sumikat na ang araw ay nariyan
   ka na, Guro

Pagod ay nawawala sa yong mga mata
Makita mo lang na kaming lahat ay
   masaya
Sa mga munting labi may ngiti ng
   pag-asa
Dahil sa iyo, kami ay namulat sa
   buhay, Guro

Guro, Guro, itinuro mo ang ganda
   ng buhay
Sa aking kamalayan, ikaw ang tunay
   kong gabay
Sa buhay, na makulay, Guro..

Ngayon ay nakita mo ang bunga ng
   iyong tagumpay
Silang dati paslit na inakay mong
   mangarap
Salamat sa lahat ng naidulot ko
Nariyan ka lang, nariyan ka pa rin
   o aking Guro

 
home about bayang photos gigs discography lyrics downloads reviews guestbook contact links