Bayang Makulay | Harinawa | Bagong Umaga

HARINAWA
Ngansi Ba | Darating Din Tayo | Harinawa |
Hiling | Buhay | Inang Bayan |
Habang Ika'y Wala | Bumalik ka na |
Mapayapang Mundo | Giliw | Dinggin Nyo | Guro |

Bumalik Ka Na
Words: Joey De Veyra
Music: Sammy Asuncion

O kay tagal kung naghintay sa yo
May kulang kung ika'y wala sinta
Hinahanap-hanap ang yong ngiti
Tamis ng labi lambot ng pisngi
Kailan ba kita, mararamdaman
Ng buhay ko'y di malito, oh

Alam kong babalik ka rin mahal
Di ko lang malaman kung kailan
Bawat araw ay laging kay tagal
Laging laman ikaw ng isipan
Nandito ako, ang gulo ng isip ko
kasing gulo ng kwarto

Tuwing pag-gising ko'y wala ka pa
Pati kape ko ay di matimpla
Kumain man wala ring gana
Ikaw lamang ang ligaya

cho:
Bumalik ka na, bumalik ka na
Nais kong makapiling kang muli
Bumalik ka na, bumalik ka na
Damhin natin ang bawat sandali

Hangarin ko sa aking pagtulog
Ikaw lamang ang aking katabi
Hindi ako dalawin ng antok
Pikit pero gising buong gabi

Hanggang sa muli, ako'y maghihintay
Ikaw lang ang minimithi

 
home about bayang photos gigs discography lyrics downloads reviews guestbook contact links