Bayang Makulay | Harinawa | Bagong Umaga

BAYANG MAKULAY
Mekaniko ng Makina Ko | Habang Narito Pa |
Ayoko Na | Sanggol sa Sinapupunan |
Saan Nanggagaling ang Himig | Lalalaryang |
Nasaan na Tayo | Alay sa mga Kapatid |
Kay Tsong | Ka Tribo |

Ayoko Na
words and music: Bayang Barrios

Ayoko na, mahina na ang tuhod ko
Ayoko nang masangkot sa anumang
   gulo
Ayoko na, sawang sawa na ako
Gusto ko mabago ang mundo ko

Noong ako'y sikat na artista
Pinipilahan ang mga pilikula
Kabi-kabila ang pambobola
Ng mga prodyuser na mukhang pera

Noong bata pa ako'y nasubukan kong
Maging matapang at babaero
Maraming baaeng nagkakagusto
Dahil sa mukha kong napaka-guapo

Kung saan saan ako ako nagta-trabaho
Dahil ako ay napakatalino
Naging konsultant ng mga politikong
Puro pakwan ang laman ng ulo

Alak, sigarilyo, sugal 'yan ang aking
   santo
Kapag nalalasing, di ko na alam ang
   bahay ko
Kaya nakakatulog sa sementeryo

Panahon nga ay nagdaan
Kabuhayan ko'y nasimot sa bisyo ko
Tumatanda na't gusto nang magbago
Ang katawan kong ito'y gusto ng
   humayo

 
home about bayang photos gigs discography lyrics downloads reviews guestbook contact links